the.nyepotz.life

02.02.08

week.blog

Saturday,January 26, 20008

Excited ako ng araw na ito. It's because reunion namin ng mga classmates ko nung Elementary!ayus di ba?? batang Holy Child Learning Center to..amft. akalain mo 10 years na pla kaming graduate dun.ahihihi..

Sobrang saya tlga.As in! pati yung mga teachers namin noon andun din.sayang wala si teacher nida..ahay naku. Di kame kumpleto, kulang ng dalawa. pero ok lang, masaya pa din.Nakakatuwa, dala pa ni ciarra yung photo album nya!!waaaahhh!! Mukha akong dugyot!!ahehehe.. halatang halata, bata pa lng loko na..puro ako lng ang kengkoy ang kuha dun..ahihihi.. Akalain mo yun, di ko na matandaan na ako pla nakakuha ng best in computer nung grade 6 kame??sabay sabi ni den, kaya lang daw ako ang nakakuha nun kasi nalamangna ko sya ng isang word dun sa na type namin..ahahaha.kasi bigla nila ako tinukso..ahahahaha!ang kultez!!grabe!!inaabot kami ni denmark, tin2, lieza, and geizel ng madaling araw puro kuwentuhan lang.galing no?? Wlang inuman yun!amft. Tapos pauwi naglakad lang kame nina denmark.kuwentuhan pa din.parang walang katapusan yung kuwentuhan.

*************************
wala pa kong pics eh..sa susunod na lng..ahehe..

Posted by neschel @ 02.02.08 01:07

01.26.08

walang.titulo

wala akong maisip na title para sa araw na ito. Iniisip ko pa din kung ano ang isusulat ko. di ko mai-detalye mga nangyari kahapon. Except na tlgang parang nawala ako sa mood kahapon. malungkot talaga. Bigla na lang.Nalungkot ako sa mga nangyari khapon at nung isa pang araw.Bigla ko lng din naisip. Napauwi ako ng maaga.Sumakit ulo ko.Marahil sa mga inisip ko. Kahapon ang isang halimbawa ng mga araw na kung saan di ko maikubli sa mga ngiti at patawa ang nararamdaman ko.Malungkot talaga. Sobrang kalungkutan.Iniisip ko pa din yun hanggang ngayon. Di ko kasi maalis sa isip ko..hay naku.sabi nga sa isang pelikula : "Think of Happy Thoughts!" Cguro nga ganun na lng. Tutal mas marami yun masasayang araw at pangyayari kaysa malungkot...Pero sa kaso ko halos pantay ang dami ng kalungkutan at kasiyahan. amft.

**********************************
Salamat sa mga taong nagpapalakas ng loob ko! Kudos to you guys! :)

*********************************
Oikz Gaylord gudluck sa iyo sa quatar!

Posted by neschel @ 01.26.08 01:11

01.25.08

tanga.talaga

hay naku..Cguro nung nag sabog ng katangahan kanina dito sa mundo, nasambot ko lahat...

Wala akong load.wala din ako pera.so i decided to load na lng through ATM..putek.lufet di ba?High Tech..kaso sa sobrang ka excitement ko imbes 0927 eh 0917...nyamft.wala na akong nagawa kundi titigan at basahin ang nakasulat sa atm machine na na nai send na sa number and wait for the confirmation... huhuhuhu..100 din yun..

****************************

nakakalungkot ang araw na ito..bukod dun sa load.may mga nangyari pa.. nalulungkot tlga ako. :(

Posted by neschel @ 01.25.08 05:46

01.19.08

ano.ba.yan?

ano ba yan? so much had happened.matagal ko na syang gusto isulat dito pero mahirap isipin kasi may mga bagay na it's better to keep it na lng to myself. Pero there were times na super gusto ko na tlga ilabas.mahirap kapag madami kang nalalaman and eventually you cannot tell anyone because i'll be looking like a Mosang.Pero ewan ba. pag may di dapat sabihin sa iba i'm always there to listen..ahehehe.maybe okay din yun kasi ibig sabihin they trust me,pero andun yung andami ko tuloy alam.haay.Pero nature ko na din yung deadma na lang.Pasok sa isang tenga, labas sa isang tenga...as if walang nagkuwento or anything..kaso pag ganun, parang ang sama kong tao kasi may alam ako and yet sinesikreto ko..haay..life sucks..

***********************
Help!

Posted by neschel @ 01.19.08 00:29

01.15.08

ipod.movie?

ahehehe..does anybody knows ipod movie???

kuletz no?amft.Napakwento kasi yung isang kasama ko sa trabaho.Habang nasa shuttle kame.

Kasama sa trabaho:...meron kasi syang IPOD Movie.
nisyel: ***wondering**** ANu yung IPOD MOVIE??
Kasama sa trabaho: yung IPOD MOVIE, yung ganito (****described the thing****)
nisyel: ah!!! baka IPOD VIDEO???!!!
Kasama sa trabaho: ah! oo yun nga!
nisyel: bwahahahahaha!IPOD Movie


Posted by neschel @ 01.15.08 05:01

01.13.08

sustaining.sex.balls.

wahaha. finally. it has been downloaded!!! the hottest group in Emerson Network Power's History...The Sustaining Sex Balls...ahehehe...Sikat na sila!!check 'em at YouTube amft.

**********************************


Posted by neschel @ 01.13.08 09:00

01.11.08

sulat.ni.tatay.at.nanay.sa.atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong
kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing
sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit
hangga't hindi mo nakukuha ang gusto
mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda,
amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong
pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
As ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,

Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan
mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit
sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na
sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado
sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong
pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa
higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng
aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana

ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na
lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

**********************************

Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Posted by neschel @ 01.11.08 04:41